Thursday, August 09, 2007

High School Life 2

Buhay Xientia... after so many weeks, ngayon ko lang ulit naipagpatuloy ang blog na naipublish about my high school life...

Hmmm.. san na nga ba ako natapos? Ah... sa sports sports nung high school..

Katulad ng mga nabanggit ko... hindi nga yata ako sinilang na maging sportsman. Hindi ako nageexcel sa anumang sports. Pero OK lang sakin. Marunong naman ako ng mga sports pero yun nga... I excel in nothing!

Naging masaya kahit papaano ang high school memories ko dahil na rin sa ilang mga kaibigan at kaklase ko na nagbigay ng kabuhulan sa pag-stay ko sa Xientia. Nandyan yung mga taong hindi ko makakalimutan at yung iba pilit na kinakalimutan pero hindi ko parin makalimutan!

Nakakatuwa isipin dahil dati, nung high school ako, nagpipilit kameng mga 1st year and 2nd year na umasta na parang college. Kailangan mature tingnan daw kame. Nagrereklamo sa SM CITY (well, second home naming mga Xientians) pag hindi pinapasok sa sinehan. Tapos naaalala ko 1993, kailangan most of the students may dalang jug or Coleman!!! Social status yun.. kung sa ngayon eh kailangan may updated na cellfone ka.. dati kame nung high school eh updated sa color ng coleman! hehehehe with matching damit damit ay accessory pa yung Coleman para mukhang "in"!

SM City (North Edsa or SM WEST..sa mga hindi nakakaalam)... dyan naubo ang pagkakaibigan. Maraming mga batang kagaya ko nuon ang nabuo ang pagsasamahan sa SM CITY. Para bang kanlungan namin. Pag suspended ang pasok. Yan ang takbuhan. Tatambay muna sa Mc Do Carpark till 10 AM hanggang magbukas ang buong SM saka gagala. Parang animoy bago lagi sa amin ang SM gayung halos araw-araw eh laman ng SM ang mga lalakeng naka-navy blue pants at white polo na may patch ng QCSHS at mga babaeng naka-blue (all shades of blue yata yun?!) checkered table cloth..este skirt pala, with matching bow na galing din sa tela nung palda nila. Minsan pa nga, alala ko, 1st year, may mga kaklase akong umuuwi galing school na naka pepbloom at bloomer pa! WOW!!! parang cheerleader!!!

Sa Mc DO Carpark ang pinakamadalas na tambayan ng buong Xientians. Kung paano nagkakasya ang mga estudyante dun?!?! hindi ko alam. Ang drinking fountain ng McDO ang fountain of youth na kung saan refill station ng mga Coleman na naghihikahos matapos ang isang buong maghapon sa loob ng classroom na mainit. Ang 19 pesos na Burger McDo mean nung 1993... ang 35 pesos na Mc Chicken Singles mean... and libreng tubig sa drinking fountain, ang pinaka-affordable sa aming mga estudyante ng Xientia. YUng ibang mayayaman nakaka-order ng 45 pesos na chicken and spaghetti meal or 49 pesos na Big Mac Meal. Karaniwang yung Burger McDo meal lang ang lagi kong order dahil 25 pesos lang ang baon ko sa isang araw! sa maniwala kayot sa hindi, ang pamasahe ko nun ay 1.50 sa jeep at 1.50 sa bus tpos 2.00 sa tricycle from Annex to Xientia!

Sa MCDo rin ang laging waiting area kung may mga practice ang klase tuwing saturday or merong project meeting kame.. basta laging McDO carpark.. minsan.. para maiba, Wendy's carpark na halos katabi lang naman ng McDO. Sa McDo rin ang madalas na pag-date-an ng mga Xientians habang nanliligaw... limited to meal number 3 lang.. syempre nga naman high school pa. Tapos magkakantyawan kinabukasan sa klase na nakita sila sa Mcdo na nagde-date. Malamang nga makita sila dahil nga diba Xientian public area na yun!

Kapag pumasok ka sa main door ng McDo at lumabas sa kabilang pinto nito sa Carpark side, una mong makikita sa kanan mo ang MONAKIKI sa boutique. Hindi ko mawari.. hanggang sa mga sandaling ito, hindi ko mapigilang ngumisi pag naririnig ko ang MONAKIKI... hihihihihihihihi ^_^. Minsan umuwi ako ng Pinas, napadaan ako sa Carpark. Malaki na ang pinagbago nya dahil puro computer shop at stores na ang mga nanduun. Hele-helera sila at iba't ibang computer products at services. Nakalagay na sa labas eh, CYBERZONE.. wow!!! wala na yung dating Expressions bookstore, yung bilihan ng mga alahas na kung saan manghang mangha pa kame lahat sa ganda ni Angel Aquino na syang model nung Jewelry shop na yun. Pero ang mas ok na tanawin eh nandun parin yung McDO na kinalakihan namin. Yun nga lang wala na yung PoolBall at yung Merry-go-round. Puro dining table na.

Matapos dumaan or magmeryenda or magdinner ang mga Xientians sa McDo, madalas na tutunguhin naman eh yung mismong SM na. Either dadaan sa department store para bumili ng chichiria sa Snack Corner or magmamadali na lang dumaan dahil maguunahan naman sa People's Park Computer Zone (tapat ng SM) na dinemolish na nung 4th year ako para nga bigyan ng daan yung North Ave. station ng MRT.

Naaalala ko pa nuun dahil nagtitipid ng pera, hanggang pass-by McDo lang kame at kakain na lang ng lugaw sa People's park bago maglaro ng Street fighter. 5 pesos lang ang lugaw ta kung may extra barya na 1.50 may itlog na.. at kung gusto mo na goto, 7 pesos lang saka mag street fighter. Hindi pa rin uso ang playstation nun kaya family computer pa yun! 10 pesos per hour!

Hayy... those where the days...

to be continued....

No comments: