Monday, August 13, 2007

AIDS...

AIDS.....

Ito marahil ang isa sa mga pinakamahirap mangyari sa buhay ng isang nilalang.....








ang magpanggap na As If Doing Something!

Hindi biro biro ang AIDS... pag tinamaan ka nito... siguradong masasanay ka at palagian mo na itong gagawin hanggang sa ikaw ay hindi na productive sa iyong working place.

Mahirap ang AIDS. Lalo na kung talagang walang kang magawang (matinong) trabaho ngunit nakatingin sa iyo ang mata ng mga mukhang-alien mong kaopisina. Magugulat ka na lang minsan na ang akala mong bangaw na aaligid aligid sa iyo ay isa palang nanobot (nano-tech based robots) with spy cam ng boss mo na mino-monitor ang bawat kilos mo. Nire-record din ang frequency ng iyong mga inuutot lalo na kung napagtripan mo pang isaliw ang iyong pag utot sa isang nakakaindak na musika (awww!).

Dumarating talaga sa buhay ng isang office worker ang oras ng pag-e-AIDS. Sa hindi malamang kadahilanan, maraming tao ang nasisira din ang kinabukasan dahil dito. Mayroong 85 na milyon Pilipino na nakatala sa populasyon ng mundo. Kung kasama ako sa bilang na iyon, hindi ko alam. Pero siguro naman kabilang nga ako dahil kahit hindi ako mukhang Pinoy eh Philippine passport ang gamit ko.

Sa 85 Milyon Pilipino, 40% duun ang may trabaho. 5% duun ang hindi talaga Pilipino. Ang 5% naman ay mga taong may kuto sa ulo. Ang natitira... nagta-trabaho din kaso minsan tinatamad kaya AIDS. Sa nabanggit na unang 40% na may trabaho, hindi lahat ay tunay na nagtatrabaho. Ang mangilan ngilan ang ngumunguya lang ng juicy fruit o kung hindi kaya ay ngumangata ng Boy Bawang. Isang mahusay na halimba dyan ay yung kaibigan ng kaklase ng anak ng kapitbahay namin, na dating nakatira sa Corinthians, na pinsan diumano ng tatay ng kapitbahay ng dating kapitbahay namin. Sya ay ubod ng yaman. Pero sa kanyang mga resume ayon sa ImVestigador, ang job nya ay businessman gayung ibang tao ang nagpapaikot ng pera sya. Sya ay nakahiga lang lagi sa kama kasama ng kanya mga pussycats..AWW! Iyan ba ang businessman? Sana man lang ang inilalagay nyang occupation ay..umm.... hindi ko din alam. Siguro nga mas madali isulat ang businessman kesa sa doctor or nurse or engineer. Baka hanapan ka pa ng lisensya... hmmm... (umilaw bigla sa ulo ko! TING!)... pag mayaman na ako... Businessman narin ang ilalagay ko... pero sasamahan ko pa ng philanthropist! Naks, sosyal masyado ang dating ko. Tumutulong kunwari! Syangapala, ang mga nabanggit kong statistics ay ayon lang sa akin na pwede o hindi pwedeng basehan ng ibang siyentificong pag-aaral.

Philanthropist. Bakit may ibang mga mayayamang tao na inilalagay iyon sa kanilang description bilang kanilang okupasyon? Isa nga ba iyong occupation? Ano ba ang occupation? Sabi ni WordNet, isang trusted dictionary sa net, ang occupation ay "the principal activity in your life that you do to earn money". Eh ang philanthropist naman, ayon ke pareng American Heritage Dictionary, "The effort or inclination to increase the well-being of humankind, as by charitable aid or donations; Love of humankind in general; Something, such as an activity or institution, intended to promote human welfare".

Kung ang occupation ay trabahong ginagawa mo para ikabuhay mo at sumuweldo ng pera, bakit ang philanthropist ay sinasabing occupation? Ang pinaka-simpleng sagot dyan, at alam ko kayo din ay sasang-ayon sakin, ay dahil..... pauso lang nila! Ek-ek kung baga. Para lang may masabi ang ibang tao na mayaman sila at kaya nilang magdonate ng sako-sakong bigas sa mga nasalanta, at magdonate ng mga wigs sa mga cancer patients, tapos mag fund raising by inviting Andrea Bocelli for a concert! Ayos diba?! Tapos pag niyaya mong mag-donate ng blood para kay Rosa Rosal, este para sa Red Cross ni Rosa Rosal eh ang itutulak ang kanilang mga alalay at alipin na tagapaypay upang syang magdonate ng dugo! Hayyyy....

Talagang mahirap ang AIDS. Kailangan mo pang masalinan ng donated na dugo ng mga philanthropists.

Napakahirap ng AIDS. HIndi mo alam kung ano ang gagawin mo. Kung saan ka dadalhin ng utak mo. Kung saan pupulutin ang trabaho mo. Kung saan ka mapapadpad.

Tunay na mahirap ang AIDS..... kagaya ko ngayon... AIDS victim!

No comments: