Crazy nga ba ang mabuhay sa Pilipinas? There are many intriguing questions as to why did I leave the Philippines and work in another country. I knew it then that people who knew me will raise their kilays to me since my primary reason is personal growth. Sounds plastic?
Ayoko naman talagang umalis ng Pilipinas para lang magpa-alipin sa mga banyaga. But then, dito na pumapasok ang kaisipang, “Saan naman ako pupulutin sa Pilipinas?”. Sa tulong at awa ng Diyos eh I have achieved a quite good level education. May mataas na pinag-aralan kung baga. Hindi sa pinagmamayabang ko iyon kundi ipinagmamalaki ko yun. Sabhin mo nang plastik ako pero yun ang totoo. I am proud of what I have done to achieve this. Pinaghirapan ko ito. Dugo at pawis at pag-gain ulit ng taba ang inilagak ko. Pero paano ang lahat ng parangarap kung hindi ito isasakatuparan?
Maraming rason kung bakit ko pinili ang umalis sa Pilipinas para magtrabaho sa mga taong patalikod na alipustahin ang lahi ko. Oo, nagiging plastic din ako sa kanila paminsan-minsan. Maganda ang turing nila sa mga Pinoy..OO.. minsan….pero kakambal nun ang pagtingin na ang mga Pinoy ay laging nangagalipin sa ibang bayan. Minsan tinanong sa akin ng isang kasamahang ibang-lahi kung bakit maraming Pinoy ang kailangan umalis sa Pilipinas para magtrabaho sa ibang bansa. He told me that Philippines has a growing economy. The government needs professionals to build it again. Pero bakit daw ang mga professionals ang syang umaalis at nangangarap na mag-immigrate pa lalo na sa mga bansang mayayaman?
Kahit na ako ay nagtatanong kung bakit hindi ko nakikitaan ng pag-asa ang Pilipinas. Naghahanap ako palagi ng sisisihin kung bakit ganyan ang iniwan kong bansa. Kaya ba ako nagtrabaho sa ibang bansa dahil para sa sarili kong dahilan o dahil walang ibibigay na dahilan ang Pilipinas para manatili ako?
TECHNOLOGY. Isa akong engineer. Teknikal na nilalang. May artificial intelligence. Isang robot. Oo. Isang nilikha ng nilalang para sa kanyang kapakanan. Ganyan ang isang OFW sa ibang bansa. Bagamat hindi ako OFW, alam ko ang pakiramdam ng isang second-class citizen. Matalino ka man, may abilidad ka man, bibihira ang nabibigyan ng magagandang opportunidad na ipamalas ito sa banyagang bansa. Sa technology ko unang binase ang dahilan ko bakit ako lumisan ng Pinas. Wala tayong orihinal na teknolohiya. Aminin man natin at hindi, 95% percent ng buong kalahatan ng technology sa bansa ay galing sa mga banyaga. Yung natitirang 5%, hindi pa tinatangkilik ng mga Pinoy at hindi binibigyan halaga ng gobyerno. Sino ang tunay na nakikinabang?
Nagkaroon ako ng ilang karanasan ma-experience ang iba’t ibang teknolohiya ng Nuclear Science ng mga bansang nangunguna dito. Ngunit tuwing bumabalik ako sa Pinas, lahat ng inaral ko about that technology ay hindi kapakipakinabang. Hindi dahil sa hindi kaya ng mga Pilipino, kundi dahil hindi suportado ng mga kinauukulan. Kung ingenuity lang naman, hindi pahuhuli ang Pinoy. Ngunit dahil sa ingenuity na rin nya kaya hindi pinapansin ng kinauukulan. Hindi ko nga mawari kung bakit ang kaisipan lagi ng mga kinauukulan ay mas OK ang technolohiya ng ibang bansa kaysa mga Pinoy. Mismong mga Pinoy ang hindi nagtitiwala sa mga gawang-Pinoy kaya sino sa mga banyagang bansa ang magbibigay ng mas malaking tiwala sa mga ito?
Pagka-graduate pa lang nga ng High School, ano ang pino-promote ng mga paaralan? Magaral ka dito sa aming school para mas madali kang maka-punta sa ibang bansa... 3 taon lang ang nursing course namin kaya mas mapapabilis ang pagalis mo papuntang America. Mas nakalulungkot isipin na pag-graduate mo sa college, ang bubungad sa iyong paghahanap ng trabaho eh “WANTED: ENGINEERS for Middle East” “Nurses for USA” “Butchers for Australia, Minimun requirement: BS/BA graduate, preferably MA/MS degree holder”. Asan ang para sa sariling bayan?
Dahilan din nito, ang mga technical na inhinyero atbp. na mga Pinoy ay mas napapakinabangan ng mga bansang namamayagpag sa teknolohiyang iyon. Nasaan ang mga Pinoy Architects? Nasa Europa kung saan ang mga arkitektura ay nangingibabaw. Nasaan ang mga Pinoy Medical Professionals? Nasa America kung saan nangunguna ang medisina. Ang mga Inhinyero? Nasa Middle East, Singapore, Malaysia. Ang mga Research Scientists natin? Nasa Japan, Korea, US. Nasan ang mga teachers natin? Nasa Italy, na kahit mga licensyadong guro ay inaalipin ng iba sa bahay. Nasaan ang para sa Pilipinas? Kung sabagay, palaging pinagmamalaki ng gobyerno na umaangat ang ekonomiya dahil sa mga remittances ng mga libo-libong OFW dahil sa kanilang dolyar na kinikita. Ngunit totoo bang sinasabi nilang umaangat ang buhay? Bakit mas dumarami parin ang umaalis kaysa sa bumabalik?
Sagot?..... Kailangan pa bang i-memorize yan???
SALARY. Ito marahil ang pinakanangungunang dahilan kung bakit umaalis ang mga Pinoy para magtrabaho sa ibang bansa. Mababang sweldo, mataas na bilihin. Tumataas ang posisyon mo, tumataas din ang gastusin mo. Tumataas ang gastusin mo lalo, dahil kasabay nito ang pagtaas ng presyo. Ngunit ano nga ba ang dapat? Mababang presyo sa mataas na sahod? O mababang satisfaction sa sarili para sa maliit na sweldo?
Pagdating sa salary, aminin nating attracted tayo sa matataas na offer kahit na ito ay katumbas ng renouncement ng ating propesyon. Dahilan natin ang kahirapan ng Pilipinas. Mahirap magpaaral ng college sa 20 thousand pesos per month na sweldo kumpara sa 2 thousand dollars per month na suswelduhin mo kung engineer ka sa ibang bansa. Dapat nga bang lagi mataas ang kinikita ng isang tao para maging kuntento ito sa buhay? Ang pagkaka-alam ko eh ang society ang pinaka malakas na magsabi na ganito ka dapat para maging masaya ka...maging kumpleto ka... kaya dapat abutin mo ang status na ito. Ang Filipino society at gobyerno na natin mismo ang nagsasabi na, "Hey, maganda magpa-sweldo sa America, mga doc, nurses, punta na kayo dun, daliiii.. Tapos mapadala kayo lagi ng $$$ ha.. para nakatulong na din kayo sa bansa." Anong pinag-kaiba ng mga Pinoy professional sa Inang pinaampon ang mga anak sa mga may-kaya?
--to be continued---




