Monday, July 16, 2007

High school Life (Balikan natin ang nakalipas- part 2)

Matagal na din pala bago ko nadugtungan ang part one ng paggunita ko sa aking nakalipas bilang estudyante. Hindi ko inaakala na matatandaan ko pa ulit ang password ko sa blog site na ito. Wala namang problema sa blogsite eh... ang problema ako. Pwede namang isahin ko na lang ang mga passwords ko para sa madali ko itong matandaan kung anong site man ang aking kinabibilangan. Pero hindi ko ginawa yun. Pero tapos na yun. Nabuksan ko na ulit ito. Ang mahalaga ay malaya na naman akong maipahayag kahit papaano ang saloobin ng aking diwa na minsan ay gumagana na parang bagong palit ang langis sa makina at kadalasan naman at parang matigas na mantika kung matulog.

Buhay ko sa Xientia.

Hindi ko masabing nagenjoy ako nung high school at hindi ko rin naman masabing hindi ako natuwa sa aking pagiging high schooler sa Xientia. Kumbaga sa salitang Koreano, KUJO-KUROTA... So-so... neutral... nothing so much special.

Lahat natural lang na naganap. Naranasan kong bumagsak ng Algebra 1 at nasentensyahan ako ng probationary status nung 2nd year ko dahil na lintek na cumulative na grading system dati ng Xientia.

Ranas ko ring makahalubilo ng iba't ibang klaseng mga tao sa katauhan ng mga classmates ko. Galing sa iba't ibang sosyalidad ng buhay... iba't ibang personalidad. May matalino, may nagmumukhang matalino. May magaganda, may mga pangit. May mga mayayaman, may mahihirap. Halos lahat ng personalidad nga ay nakahalubilo ko.

Hindi ko makalimutan din na minsan akong nagkaroon ng classmate na may sakit. Sakit na hindi naman nagiging epidemic sa classroom. Kumbaga, sakit na hindi nakakahawa. Inamin nya rin naman sa huli na sya ay Kleptomania. Mabait at matalino ang pagkakakilala ko sa kaklase ko na ito. Ngunit mahilig nga syang mamitik ng mga bagay na nakikita nyang makinang sa paningin. Natural na hindi nya yun kukunin kung may nakakakita ngunit kung wala nang tao. Kung ako ang tatanungin nyo kung paano nya ginagawa yun, hindi ko alam. Hindi naman nya inaangkin ang mga bagay na iyon. Nilalagay nya lang sa kanyang locker ang mga iyon. Iniipon. Kung tanong nyo eh anong ginagawa nya sa mga bagay na yun, eh hindi ko rin alam. Nakaka-awa man ang kalagayan nya, hindi pa abot ng kaisipan namin bilang mga highschool students na maintindihan ang sakit na yun. Basta ang judgement sa kanya, isa syang salot sa paaralan. Nakakalungkot man ang mga kaganapan, na nasentensyahan sya. Hindi ng batas ng Pilipinas, kundi batas ng paaralan kung kaya't sya ay na-KO at hindi nakapagpatuloy mag highschool sa Xientia. Batas na nagsabi na hindi ka kabilang sa mga batang matitino. Maaring may sakit sya, hindi ko alam kung sa anong kadahilanang naging sakit nya iyon, ngunit hindi iyon dapat maging basehan ng tanggalan mo sya ng karapatan na magaral sa paaralang iyon. Naniniwala ako na iyon ay may lunas pa. Naging biktima din nya ako. Kinuha nya ang libro ko na kailangan na kailangan. Pero biktima rin lang sya ng isang kapabayaan. Kapabayaan marahil ng society na nagsasabing salot ang kleptomaniac. O kapabayaan ng pamilya na dapat ay umasikaso sa kanyang pangagailangan. (NOTE: iba ang magnanakaw sa kleptomaniac) (NOTE ulit: pag mayaman ka at mahilig kang manguha ng hindi sa iyo, KLEPTO ka... kung mahirap na nilalang ka lang, ang tawag sa iyo ay MAGNA.. magnanakaw, o di kaya'y kawatan, mandarambong!)

High school ko rin natutunang makipagkaibigan sa mga babae. Katunayan nyan eh naging barkada ko eh mga babae. Bakit babae? Dahil nalaman kong madali silang malapitan. Madali silang mautangan. Madali silang mabola kung kaya't madalas, madaling pakisamahan.

Bago ako nagkaroon ng maraming babae na barkada, nagkaroon din ako ng mga barkadang lalake. Hindi naman sa itinakwil ko yung mga kaibigan na iyon ngunit dumistansya ako. Hindi ba didistansya ka din naman kung bigla kang ilaglag sa pagkakataong minsan na akala ko ay may kakampi akong 10 tao pero nakita kong ako lang pala magisa ang sasalo sa sisi na sila ang gumawa? Kung kaya't nakakuha ako ng sandigan sa mga dibdib ng mga babaeng kaibigan.

Minsan masaya ang buhay xientia. Naranasan kong ilabas ang aking athletic side sa pagsali sa mga sporting events. Naglalaro ako ng soccer nun! Kung ako ang tatanungin, hindi ko parin alam ang rules at ang tamang pamamaraan ng paglalaro ng soccer. Basta ang alam ko eh sipa ka lang ng sipa at magka-goal. Nalibang ako sa ibang sports nung tumuntong na ako ng 2nd year hanggang forth year eh. Yung mas nakakapagod na sports..... CHESS, SCRABBLE, BOGGLE, mga ganun tipo! hehehehehe. Games of the generals,isali mo pa.

Pero naglalaro parin ako ng soccer kung inter-section ang laban. Pero kung inter-year na, marami sa amin na magagaling. Ichepwera na ako. Natuto din akong magping-pong kung saan iyon ang napagtuunan ko ng pansin. Ngunit hindi yata talaga ako pinanganak para maglaro o para sa sports. Wala akong pasensya na magtagal sa isang sport. Kung ano ang masaya, yun ang gagawin ko. KUng basketball ang in sa PE class, nagbabasketball ako. Kaso aminado akong hindi ako magaling at lampa ako. Kung kaya dahil sa hiya dahil nakikita ako ng crush ko na malaking tao pero lampa, hindi ko na kina-reer ang basketball. KUng uso naman ang volleyball, sige laro din ako. OK lang yun kasi hindi naman gaano kailangan tumakbo takbo. Kung uso naman sepak takraw, banat din ako. Kahit na magmukha akong timang sa court at hindi maka-sipa ng bola sa kabilang court. Pag pagod na kame sa sepak takraw.. balik na naman sa rule-less na soccer match! kalaban ang ibang schoolmates na handang magputik ng uniporme na ipalalaba sa kanilang pobreng nanay!!!

(itutuloy ko pa..) pagod na daliri ko sa pagtakatak eh.

No comments: