Hayyy...
Hindi ko minsan maisip kungbakit ang hirap din mag panggap na busy. Gustuhin ko man maging busy sa isang bagay, dumarating at darating parin ang oras na hindi mo talagang inaasahang wala kang ginagawa.
Gustuhin man ng tabachoy mong katawan na humilata na lang para magpalaki lalo, hindi mo naman magawa. Iniisip mo na.. teka, binabayaran ang oras ko dito ah! Hayyy..
whooa... naka 1 minute din ako sa pagpigil huminga... pakiramdam ko kasi hanggang 20 sec lang tinatagal ng hininga ko eh.
Ok din naman pala ang pagprapractice ng pagpigil ng hininga. Magagamit ito sa pagsu-swimming. Kailangan proper breathing plus factor na kung magaling kang magpigil ng hininga mo.
Nararanasan ko ito tuwing nagswi-swimming ako sa Dorm namin. Ito ngayon ang pinagkaka-abalahan ko sa buhay para naman mag-lose ako ng weight kahit papaano. Lalo akong lumolobo sa kakaupo dito sa office.
Ngayon, nararamdaman ko parin na mabilis ang pintig ng puso ko. Para bang isang isda na tinanggal mo sa tubig tapos nangingisay sa la mesa tapos kapag ibinalik mo sa tubig parang tuwang tuwa sa panghinga sa kanyang hasang.
Pano kaya nga ano kung baliktad ang mundo ano? parang isda tayo na hindi mabuhay kung hindi tubig ang dumadaan sa baga natin? Paano kaya kung ang baga natin ay may capability na mag electrolyze ng tubig para mahiwalay ang oxygen sa hydrogen? so, imbes na carbon dioxide ang ine-exhale natin, hydrogen. Malamang walang pollution ngayon!!!!
Dahil dun, hindi natin pinoproblema ang global warming dahil sa sobrang accumulation ng carbon dioxide galing sa iba't ibang sources. Edi walang Kyoto Protocol protocol na yan! Hindi magsusulputan ang mga international summit summit na yan para lang labanan ang CO2!
Kaya ngayon ang hirap magresearch pano ang dapat gawin para mapigilan ang pag laganap ng Global warming. Kailangan ng mga tao ng enerhiya.... maraming maraming enerhiya.... lahat umuunlad... nariyan ang mga factory ng mga mga pirata, mga pekeng Devidi, mga good-for-one-day-things from China, etc.... ang pag-angat ng 5-6 economy with free payong for early payers, ang mga trabaho sa call center sa India (habang may customer, kakanta sila with matching 5,000 back-up dancers).
At dahil din sa global warming kaya kinakailangan gawan ng paraan kung pano mapapangalagaan ang kalikasan kahit na gumawa pa tayo ng libo-libong planta para sa kinakailangang enerhiya. At dahil dyan, may trabaho ako... at dahil wala na akong makuhang data sa kakaresearch sa internet, nabo-bore na ako. At dahil nabo-bore ako, nagbo-blog ako. At habang nagbo-blog ako, hindi ako humihinga. At dahil hindi ako humihinga nababawasan ko ang CO2 production. At dahil nababawasan ang CO2, nababawasan ang Greenhouse gas--CO2. At kung bawas ang GHG, mababawasan or kung hindi man, mape-prevent ang global warming. At dahil may global warming nga, may trabaho ako... (REPEAT UNTIL FADES)....
Thursday, July 12, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

2 comments:
Pretty good post. I just stumbled upon your blog and wanted to say that I have really enjoyed reading your blog posts. Any way I' ll be subscribing to your feed and I hope you post again soon.
replica bags new york replica bags new york replica bags philippines wholesale
Post a Comment