Friday, November 10, 2006
Kanta tayo
One of these contests that are shown in Philippine TV is the Philippine Idol. Yeah.... walang ABC-5 dito sa korea pero maabilidad ako.. kahit papaano I can watch some of the episodes ng Philippine Idol. Well, hindi mo naman maitanggi na talagang may mga talento sa singing ang mga Filipino contestants na ito. They are good. They are really good. Well, some of them desserves the title of the champion.
Recently, nawalan na ako ng gana panoorin ang Philippine Idol dahil yung sa tingin kong magagaling eh nawawala na. Navo-vote out pala. Dahil sa mga txting txting na mga boto na yan, eh the favor goes all well dun sa maraming pera na kayang bumili ng texting votes. Tsk tsk, too bad for those na konti lang ang load.
Yung mga natira, eh some of them deserves to be eliminated na pero hayun.. nandun parin. Magagaling naman sila pero some of the ones na naeliminate, mas deserving pa to stay than those who remain. Itawag na lang natin sa pangalang KEN yung natira na sa tingin ko deserving pa si... tawagin na lang natin sa pangalang ARMS as in ARMARIE ha.. na magstay sa competition. I dont see any special thing sa KEN na yun. Actually mas deserving pa nga yung isang lalake, na tawagin na lang nating REYMOND, kesa sa KEN na yun.
Another one is, itago natin sa name na MIGUEL yung isang lalake para hindi makilala ng mga fans nya sino tinutukoy ko. I think, APPLE (not real name) is more deserving to stay on. This Miguel is good but not so good enough compared with those people na naeliminate.
Siguro, one more thing that made that contest bland is that the comments of the resident judges were mediocre. Lalo na si Pilita at Francis M. Very mediocre ang approach nila. Medyo si Ryan Cayabyab pa, nagbibigay ng technical and useful comments. Pero yung always, " I LIKE YOU TONIGHT", "I LOVE YOU TONIGHT", "nakakalaglag hikaw ka!"... sheeshhhh .... What kind of comments are those? Diba they should guide the voters to vote right for those who needed to stay on the contest? No wonder, the text voters in the Pinas doesn't know who will they vote for.
When I saw Hajji Alejandro judges, I think he's blended well with Ryan Cayabyab's technical and brilliant comments. Hindi yung puro "I like you, I love you.. chuva chu chu .. etc etc etc."
I think Hajji will be a better judge for the Phil Idol if he was only chosen before.
Tapos.. sina Wency, at Luke... sheshhhhh.... and Regine Tolentino...double sheeeeshhhhhhhhhhh!!! They sounded more like an audience rather than being a judge who should help the texters in choosing the right one.
When my friend here saw one of the eliminations episode, napasabi sya na, "Nasan na ang taste ng mga Pinoy sa pagkanta?" Puro na lang ba pagandahan and papogian ang competition? Well, its nice to have good looks. It's a plus factor kung maganda ka na, me good voice ka pa. Pero I hope it should not be a BIG requirement when all that is needed is a REAL talent and an entertainting personality. Hindi lang good looks. Kung ganun lang naman ang labanan.. Eh bakit hindi na lang magstart ng contest like SINGING Bb. Pilipinas or SINGING Ginoong Pilipinas or SINGING Sensation (co-ed contest)?
Naisip ko tuloy...bakit ang mga panget laging naa-associate sa puro comedy? Wala na ba silang chance to get into a serious business? Lagi na lang ang papel nila.. kinakawawa, katatawanan, panlalait...Kahit na kunwari kunwarian lang naman... e ganun parin ang dinedepict nila sa public.. na ang mga panget eh katatawanan sa society.. tama ba yun?!?!?! Kawawa naman sila (SILA ha... that means hindi ako kasama!) hmmm sa ibang blog na lang yan. :D hehehehe.
Basta, sakin, magagaling parin ang mga Pinoy when it comes to pure talents. Kaso nga lang, when it come to this kind of contests, me anomaly pang nakbuntot. Hindi pa talaga pwede umabante or sumulong ang mga Pinoy sa mga much better and bigger things. Sabi nga nila, pano pagkakatiwalaan ang isang tao kung sa maliliit na bagay eh hindi sya katiwa-tiwala. Kung sa maliliit na bagay eh he can't be trusted, what more pa kaya sa malaki.
Well, sino ba ang mapupurga sa pagkanta and monotonous performances ng mga binoto nilang Idol wannabe's? Silang mga bumoto para magstay yung wannabe na yun sa contest!
Wednesday, November 08, 2006
The Greatest Pain in Life
but to be ignored.
To have someone you love but doesn't love you back.
To have close friends but doesn't tell you if they have some "gimik" for the night.
To lose someone you love so much knowing that they don't care about you at all.
Trying to show your sincerity but was ignored.
You saw a dear friend or relative but pretends they haven't seen you.
You gave your best shot but you don't get credits for that.
Caught yourself talking to a mirror.
Friends are trying to avoid your calls because of the thought "you-might-borrow-money-from-them" when in fact you just wanted to say Hi.
but to be forgotten.
All the good deeds are forgotten over some other good deeds.
Whenever you did something right, no one ever remembers. But whenever you did something wrong, no one ever forgets.
Never gets a call from a friend even to say "HI!"
Having friends which are "not existent" in your life.
You were forgotten to put on the list.
You felt like a blind man in the middle of a busy street.
To be left in the corner when someone found another person better than you.
You were remembered as "already-died". Some gossips spread that you passed away.
Your friends don't know if you are still living in the country.
Your neighborhood playmates doesn't know if you still living in the neighborhood where you all grow up with.
None of your friends console you in times of difficulty.
You haven't felt a hug, a kiss, a pat on the back or a nudge for a verryyyy long time.
When you think that all the world that's left was you!
but to be taken for granted.
When you share you innermost thoughts with someone who then, laughs at your face.
Asked about your opinion but did the opposite thing ---just because it's your opinion.
Getting things done for someone who are dear to you but never gets a "Thank you".
You gave your last penny for someone you care but never cared about you.
You are fed up with the I-LOVE-YOU's which are really not meant.
The person who says "SORRY" to you does not try to look in your eyes.
Giving your whole life to a person who can't give a second of his/her time for you.
You needed some care but people tries to make some excuses.
Tuesday, November 07, 2006
Balikan natin ang nakalipas (Part 1) -- first published on 5 Nov. 2006
Ako po si Michael Dennis (a.k.a. Dennis (Kinder-4th year highschool); Mike (1-3rd year college; Papa Mike (4th-5th year coll); Kuya Mike (LFF); Bentot (Kuya Ted); Pike (as in Cross-legged)(Dikong Wally); Dryice (sa chat at internet); Ethane Michaels (screen name ko kasi minsan nagiging porno star ako!); Ma-i-ku (dito sa Korea)) tubong project 4, quezon city. Walang probinsyang sarili kaya tinatawag ko na lang probinsya ang aming lugar.
Adviser: Mrs. Reario (fronounce azz : REE-AR-YO)
Favorite akong student ni Ma’am Rearyo kahit ako ang pinakabata sa klase. Kasi daw tahimik daw ako, at masunurin. Hindi daw ako pala-away. May drawing pa si Maam sa isang cartolina na nakadisplay na isang boy na nagsusulat. Sabi ni Ma’am ako daw ang model nun. Kahit hindi ko naman kamukha yung bata na nakadrawing, syempre, inisip ko nun, ako nga yun. Masaya ako kasi model ako. At 3 years old, 3rd honor daw ako.. (nakanaman)!!!! Kahit na alam ko naman sa sarili na nacu-cute-an lang sila sa akin kaya ako ginawang honor! BTW, kaya pala ako nakapasok ng 3 years old agad dahil ginamit ng lola ko yung powers nya sa Principal. E dating principal ang Lola ko dun..! hehehe
PREP-Section 1 – Kalantiyaw Elementary School
Adviser: Mrs. Villareal
Bata pa lang ako sinasabi ko na sa sarili ko, kamukha ni Maam si Ines (Nova Villa) dahil napapanood ko sa Chika Chika Chicks. Ngayon, napagtanto ko, kamukha nga nya si Nova Villa! Isang Christmas party, pinag costume kame. May nanay ba namang papatalo?! Syempre, dinamitan nya ako ng SUPERMAN!!! Ang kakaiba lang eh yung superman costume ko e may maskarang itim sa mata! Meron ba naman mascara sa mata si Superman?! Kahit na anong ayaw ko sa balak ng nanay ko, mayroon ba namang makakapalag sa kurot at pingot ng nanay?!?! At the end of the party, hindi naman ako nanalo ng best in costume. Pero nakapaguwi naman ako ng isang mangkok na hindi ko alam kung sinong bata na skwater ang nag exchange gift nun! Parang napanalunan pa sa perya! Samakatuwid, masaya ako kasi may mangkok akong naiuwi!
Adviser: Miss Manlapig (isang dalagang Lola)
Isa sa mga best adviser ko si Ma’am. Mother-figure ang dating nya! Minsan wala akong dalang facetowel, at pawis na pawis ang likod ko, ang ginawa ni Maam, yung pad paper ko ang ginawang absorber ng pawis.. (sing husay pero di sing mahal)… wais talaga si Maam. Si Maam ko din ang nakakalat ng tsismis na hindi daw ako nagb-brief dahil pagbukas ng zipper ko, litaw na si patitoy. Hiyang hiya ako nung narinig ko yung balitang yun nun grade 3 ako kasi nagreunion ang mga teacher ko sa bahay kasama ng Lola ko.. sinabi nila yun sa Lola ko dahil daw minsan hindi ko daw masara ang zipper ng short pants ko eh lumapit daw ako ke Ma’am at pinazip… minsan hindi ko alam kung talagang malakas mantrip ng mga lolang ito!
Adviser: Miss Lintag
Ang adviser naming na may peboritisim!!!! At hindi ako yun! Kaya wa-Paki ako. Basta ang tanda ko nung grade 2 ako, dahil nilipat ako ng nanay ko sa private school, mayaman na kame! Kaya lahat ng pwede kong ipagmayabang sa mga klasmeyt ko, dinadala ko sa school para iparada. Lalu na yung mga 2nd hand na laruan na hand-me-down naman samin galing sa States! Kahit na yung pamaypay lang na may nakasulat SOMEBODY IN CALIFORNIA LOVES ME ay pinagmamayabang ko… eh mayaman kame eh! Hehehehe
Grade 3 – Section: Luzon– NCB
Adviser: Ms. Banadera
Enjoy ako kahit na pissed off ako lagi dahil sa sobrang ma-epal na class president namin na si Bonifacio. Hehehe. Napaiyak ako one-time kasi napagbintangan akong jumerbaks sa shorts ko.. eh hindi naman ako. Hindi ko naipaglaban ang sarili ko agad…. Tapos umiyak lang ako. Minsan talaga sa buhay hindi natin maalis na dumarating ang oras na nauunahan na tayo ng sindak kesa ipaglaban natin kung ano ang alam nating tama. Nagpapaapak na lang tayo sa mga idinidikta sa atin.
Dito nagsimula ang kalokohan ko. Dahil sa kaklase kong si Jubilante, natuto akong man-trip. One time, nagdurog kame ng chalk at nilagay sa isang maliit na plastic tapos si-neal namin ng lighter. Nilagyan namin ng tag na SHABU tapos nilagay naming sa lunchbox ng klasmate namin. Tapos tutuksuhin naming yung klasmate namin na addict tapos syempre ide-deny nya… tapos sasabihin namin… “eh may baon ka nga lagi na shabu eh” hanggang sa mapikon sya.. tapos… magsusumbong ke Maam.. nakurot nga yung tenga ko once at nung 2nd time naman, pina-squat ako sa taas ng lamesa kasama si Jubilante na kasabwat ko.
Natuto akong magsumpit gamit ang malalagkit na sago na nabibili as sago’t gulaman drink sa gate ng NCBA with free Hepa Virus at E.Colli bacteria. Ang uniform ko lagi ay puno ng bakat ng sago!
Natuto akong kumain ng mangga at santol with bagoong alamang na nabibili sa gate ng NCBA with free Hepa virus and E.Colli bacteria.
Natuto ako ng laro na kung saan mahuhulaan mo kunwari ang panty ng classmate mong babae sa pamamagitan ng pagpupukpok mo ng fist mo sa palad ng kabilang kamay mo ayon sa age nung classmate na babae tapos sisilip kunwari sa fist tapos sisigaw na “YELLOW ang panty mo Maris!”
Natuto akong magkikis kiskis ng palad (hanggang maubos ang libag) tapos papaluin habang hawak na mahigpit yung braso ng klasmeyt mo habang sya naman ay nagko-close open tapos makukuryente naman!
Nag school bus pa ako kahit na 10 mins by walk lang naman ang bahay namin sa NCBA.
Adviser: Ms. Rabara
Hindi ko alam ang pangalan na "Carunungan" … kung saan lupalop yan kinuha ng school. Nung college ko na lang nalaman na si Carunungan pala ay isang dating senador ng Pilipinas.
Dito kame unang nagsuot ng pants na khaki sa school. Sa wakas, natatakpan na din ang mga piso piso ko sa binti dahil sa mga sugat na kinalakihan ko. Nung Grade 3 ako, gnagawa ko, nagsusuot ako ng basketball socks na hanggang tuhod para matakpan ang mga barya ko sa binti…total uso naman yun dati.. lalo na't matching 2 stripes na red sa taas!
Dito lumabas ang hidden talent ko sa pagluluto. I was a favorite of Ms. Vinluan in our Home Economics class. Syempre, tinuruan ako ng nanay kong magluto. Pero sa pananahi, hindi talaga ako marunong.
Dito lumabas ang pang-aasar ko sa seatmate ko na lola’s girl. Kapag nasulatan ang uniform ko ng ballpen, gaganti naman ako sa uniform nya ng mas mahabang line hanggang umuwi kame ng puno ng sulat ng ballpen ang uniform. Sya may Coleman (water jug) syempre ako din… nagpabili ng coleman! Usong uso dati ang batang may dating water jug sa school?! Tsk tsk…
Dito din hinubog ni Ms. Angeles ang talento sa pagsketch ng photos. Nahubog ang artistic side namin.
Minsan nang napalabas ako sa classroom dahil nahuli akong nanghila ng buhok ng classmate ko dahil kinurot nya ako. Tinawag kame sa harap at tinanong kung saan nagstop ang clase sa pagbasa..
mali ang naituro ko, so…pinalabas kame. Sa labas naming tinuloy yung kutuhan!!
Nag-school bus parin ako na may dalang Coleman!
Adviser: Ms. Manzano
One of the best science teacher I have ever had. Dito ako natutong bumarkada kina Romeo, Stephen, at John Paul. Mga geeks na hindi mawari kung ano… pero OK naman silang geeks. So naging halo na personality ko, geek na loko-loko na madaldal na laging napipingot ni Mrs.
Mahilig akong sumali sa mga contest tulad ng Drawing contest, Poster-making contest, slogan making contest, at kung ano ano pang art contest sa pagaakalang artistic ako! Duun ko natutunan na kailangang mahubog mo rin ang kumpiyansa mo sa sarili mo habang ikaw ay tumatanda. Confidence sa sarili na kung saan hindi ka nadidiktahan ng ibang tao kung magiging ano at sino ka balang araw.
Natuto akong mag jackstone at sumali sa 10-20 at Chinese garter mens division.
Nilalaro parin naming yung nilalaro nung grade 3 kame.
Nagdadala parin ng coleman at nag ii-school bus parin!
Adviser: Ms Banadera
For the second time, sya ulit ang adviser namin na teacher din namin sa English at GMRC (Good moral and right conduct).
Since graduating na ng elementary, dame dameng test na ginawa samin like IQ test. Who would expect na ang IQ ko ay aabot ng 117 para sa edad ko. Ewan ko lang how reliable si Mr. Briana sa pagscale ng IQ namin. I was top 5 sa buong grade 6 na mataas ang IQ… Iba talaga ang nagagawa ng gatas ng ina!!!! Hehehe
Napipingot parin ako lagi ni Mrs.Martinez dahil sa kaingayan na wish ko minsan naman eh ako yung nakatayo sa harap ng blackboard and naglilista ng NOISY-STANDING up to 100 times! At kung ilan ang mark mo, iyun din ang pingot mo!
Lider parin ako sa Cooking sa HELE.
Feeling genius ako kasi inenroll ako ng aking mahal na ina sa isang review center para sa pag-exam ko sa Philippine Science, Quezon City Science at UPIS. Payabangan kame ng mga classmate ko kung sino ang papasa sa mga nabanggit kong school.
Gulat na gulat si Mrs Rajal na teacher namin sa Math sa aking ability na mag epal epal sa mga lectures dahil na tackle na namin yun sa review center under Mrs. Milo (na nanay ng ex-gf ko!)
Natuto na akong manligaw… natural… sa anak nga ni Mrs. Milo na 3rd year high school. Hindi ko alam kung bakit sa murang gulang ke kumerengkeng na ako! Pakiramdam ko ngayon eh para akong naging pakawalang TOTOY na sabik na sabik umibig. Pero hindi ko naman pinagsisisihan ang nangyaring iyon (..konti lang).
Sumasali parin ako sa mga contest. Pero this time ibang level na! sa Singing contest, declamation contest at Balagtasan na ako sumasabak! Hindi ako manalo nalo sa art contest eh. So ibang level naman. Abay akalain nyo nga naman, nanalo ako ng 1st place sa singing contest na inawit ang nakakaindak na awitin na I BELIEVE( yung, I Believe the Children are our Future.. teach them well…) at 2nd place sa declamation na Oh Captain my Captain (malaking kumpiyansa ko sa sarili ko dahil sure naman wagi na ako nito sa medal dahil 3 lang kameng naglalaban sa Declamation no!). Sa Balagtasan naman, nanalo kame ng 3rd place.. naging coach ko ang aking dakilang ina na puro talent!!! Kasi nga TALENS sya eh..
Gumaradweyt ako ng elementary na walang honors except Home Maker of the year award! Pang-babae yung award pero anong paki ko.. at least naka-akyat kame ng nanay ko sa stage!
Nung graduation, late ang aking nanay sa parade kaya hindi ko tunay na nanay ang kasama ko sa parade! Parang kapitbahay ng nanay ng classmate ko ang sumama sa parada namin! Ok lang naman late ang nanay ko kasi galing pa sya sa duty nya as nurse!
Pumasa ako sa Philippine Science ng 1st screening ngunit sa 2nd screening na ay natae na ako! PInagsakluban naman ako ng langit sa UPIS na pangarap ko sanang makasama ang nililigawan ko. Pumasa ako sa Quezon City Science at duun ako nagaral ng high school.
Nagdadala parin ako ng coleman at nag i-school bus parin… pero nanliligaw na ako! Hindi parin ako marunong sumabit sa jeep! Mayroon pang daga sa loob ng dibdib ko na hindi ko mapakawalan dahil natatakot akong mahulog sa rumaragasang mga jeep. Takot na ipinangibabaw ko sa ulo ko na baka madisgrasya ako...kasi yuun ang sabi ng nanay ko sakin.
Balikan natin ang nakalipas (Prologue)--first posted on 4 Nov 2006
Hindi ko mawari minsan kung bakit ko naiisip ang mga nakalipas. Siguro most of my experience ay nakakatawa at hindi malilimutan. Minsan sa aking pagmumuni muni, pumasok sa isip ko ang tanong, malayo na ba ang narating ko o sadyang wala pa akong nararating sa buhay? .. Hindi naman siguro yung huli… hehehe
Kayo ba naisip nyo pa ang inyong nakaraan? hindi ko ibig sabihin yung nakaraang mga syota…. ALAM ko… marami akong nakaraan… pero hindi yun yung ibig kong sabihin…
Kagabi…. Or nung isang gabi ata.. napanaginipan ko ang mga barkada ko sa Mapua (na ngayong na Malayan Univ na daw... acheche!). Partikular sa panaginip ko si Bespren Mike, si Fatotoy Alex, Bonzi Bernie at si Tikang Eliza...marami pa daw kame nasa pick-up van... hindi ko marecognize yung iba... tinour daw nila ako sa Mapua ngayon kasi nga daw balikbayan daw ako..(naka naman!!!) nagulat ako bakit daw ang faculty ng ChE-CHM ay katabi na ng registrar.. Tinatanong ko daw ke Pareng Mike at ke Fatotoy Alex kung bakit naging ganun na ang set-up. Sabi nila sakin… kasi iba na raw may ari. May multo na nga daw ngayon sa mapua eh. Sabi nila sa panaginip ko. Maya maya pa ay lumabas sa ChE-CHM faculty ang teacher ko nung elementary na si Ms. Banadera. Nilapitan ko daw at kinamusta ko. PInakilala ko ang sarili ko dahil daw hindi na nya ako kilala… sabi ko.. Ma’am ako po ito… si Dennis… galing po kasi ako sa
Hmmm… hindi kaya dahil namimiss ko ang nakalipas? O baka naman mayroon akong nakaligtaan sa nakalipas ko na dapat kong maiayos? let me reminisce my old glorious days.... samahan nyo ako ako.. at sariwain natin ang nakalipas ko bilang estudyante.
Ang Pinoy Action Pelikula
Why can't I stand watching Pinoy action movies? Ironically, when I was a kid, I used to love watching those. Bakit ngayon nagkamulat na ako, nakakawalang gana? Bakit kaya....
Ano nga ba ang Pinoy Action Movie?
Laging umiikot ang istorya sa paghihiganti Laging panget ang mukha ng mga bata ng kontrabida. sa ulo). Yan ang pinoy!!!! hehehe
Ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamag-
anak nya (nanay, tatay, ate, kuya, kinakapatid,
kabiyak, anak, pinsan, tiyo, tiya, lolo, lola,
ninong,ninang, apo, apo sa tuhod, apo sa
talampakan,
ninuno)
Isa sa mga eksena e babastusin sya o syota nya
ng mga nag-iinumang istambay.
Magkakagulo sa isang okasyon (kaarawan,
kasal, binyag, burol, o basta isang okasyon)
Hindi nakakaramdam ng sakit ang bida sa
bakbakan, pero sisigaw ito at aaray pag
ginagamot na ang mga sugat nya ng isang babae.
Smoker at mabisyo lagi ang kontrabida.
Lagi itong may mga uto-utong tauhan o "mga
bata". At laging naka-jacket kahit tanghaling tapat.
Ang kuta ng mga kalaban e sa warehouse o
malaking bahay.
Lagi ding may eksena sa isang beer house.
May seksing leading lady at may love scene na
pwedeng ikwento sa Abante, Tonite, Tik-tik at Bulgar.
Marunong sa bakbakan ang babae, at kung isang
lalake lang naman e kayang-kaya nitong
patumbahin (pupukpukin ng bote, kahoy, etc.
Kung ma-co-corner ang bida, hindi ito papatayin,
ikukulong lang.
Mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban
nito habang nag-tutukan ng baril...mahabang pag-
uusap, tila baga mag-syotang nasa telepono.
May malalakas na pagpapasabog kahit na hindi
naman kailangan.
Walang malalakas na pagpapasabog kahit na
kailangan.
Kahit ano sumasabog pag binaril. Pati puno,
sumasabog. Pati semento at sahig!
Mura lang ang baril at pwede itong itapon kung
wala nang bala. Makakapulot ang bida ng baril na
may bala tuwing kinakailangan.
Marunong at asintado sa baril ang leading lady
kahit na hindi pa siya nakakahawak nito sa buong
buhay nya.
Kaya ng bida ang dalawampung tao sa bakbakan
dahil hindi naman sila sumusugod ng sabay-
sabay, laging isa-isa, parang sayaw.
Hindi tinatamaan ng bala ang bida kahit na
tatlompung tao ang bumabaril sa kanya, pero
lahat sila tinatamaan nya.
Laging sa lupa tumatama ang bala ng kaaway.
Tamaan man sya ng bala ay laging daplis lang ...
hindi pwedeng sa ulo o sa puso.
Siyam (9) ang buhay ng bida. Doble pa nito ang
buhay ng leading lady. Kung mamamatay man
ang isa sa kanila e makakapagsalita pa ito ng
isang page ng script bago malagutan ng hininga.
Huli darating ang maraming pulis ... at wala silang
pakialam sa bida, kahit na involved ito sa riot!
Atbp......................................
san na nga bang barkada ngayon...
Para sa mga ka-edaran ko...
Gising, Tol.
Tumatanda ka na, tol.
Nasa Friday Magic Madness na yung mga
paborito
mong kanta.
Nakaka-relate ka na sa Classic MTV. Lesbiana na
yung kinaaaliwan mong
child star dati. Nanay na lagi ang role ng crush na
crush mong matinee idol noon.
Dati, pag may panot, sisigaw ka agad
ng "PENDONG!".
Ngayon, pag may sumisigaw nun, ikaw na yung
napapraning.
Parang botika na ang cabinet mo. May
multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly,
tsaka ginko biloba.
Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon,
sisig, kaldereta,inihaw na liempo, pusit, at kung
anu-ano pa.
Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng mga
kasama mo sa Starbucks at oorder ng tea.
Wala na ang mga kaibigan mo noon.
Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa
canteen,napalitan na ng walang katapusang
pagrereklamo tungkol sa kumpanya ninyo.
Wala na ang best friend mo na lagi mong
pinupuntahan kapag may problema ka.
Ang lagi mo na lang kausap ngayon e ang
kaopisina mong hindi ka sigurado
kung binebenta ka sa iba pag nakatalikod ka.
Ang hirap nang magtiwala.
Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan.
Hindi mo kayang pagkatiwalaan ang kasama mo
araw-araw sa opisina.
Kung sabagay, nagkakilala lang kayo dahil gusto
ninyong kumita ng pera at umakyat sa tinatawag
nilang "corporate ladder".
Anumang pagkakaibigang umusbong galing sa
pera at ambisyon ay hindi talaga totoong
pagkakaibigan.Pera din at ambisyon ang sisira sa
inyong dalawa.
Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.
Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe,
Smart, at Sun.
Alipin ka ng Midnight Madness.
Alipin ka ng tollgate sa expressway.
Alipin ka ng credit card mo.
Alipin ka ng ATM.
Alipin ka ng BIR.
Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant
pancit canton.Ngayon, dapat may kasamang
italian chicken ang fettucine alfredo mo.
Masaya ka na noon pag nakakapag-ober-da-bakod
kayo para makapagswimming.Ngayon, ayaw mong
lumangoy kung hindi Boracay o Puerto Galera ang
lugar.
Dati, sulit na sulit na sa yo ang gin pomelo.
Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng red wine,
maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.
Wala ka nang magawa.
Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo.
Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin
nakakaipon
kahit tumataas ang sweldo mo.
Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na
sinasabi mong hindi mo kailangan, abot-kamay mo
na.
Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong
bilhin, hindi ka pa rin makuntento.
Saan ka ba papunta?
Tol, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong
ito
para maging isa lang sa mga baterya ng mga
machines sa Matrix.
Hanapin mo ang dahilan kung bakit nilagay ka rito.
Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang
hanggang maging singkwenta anyos ka na,
magsisisi ka.
Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin ang
mga tao at mga bagay na nagpasaya sa yo.
Balikan mo sila.
Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo.
