Tuesday, November 07, 2006

Balikan natin ang nakalipas (Prologue)--first posted on 4 Nov 2006

Hindi ko mawari minsan kung bakit ko naiisip ang mga nakalipas. Siguro most of my experience ay nakakatawa at hindi malilimutan. Minsan sa aking pagmumuni muni, pumasok sa isip ko ang tanong, malayo na ba ang narating ko o sadyang wala pa akong nararating sa buhay? .. Hindi naman siguro yung huli… hehehe

Kayo ba naisip nyo pa ang inyong nakaraan? hindi ko ibig sabihin yung nakaraang mga syota…. ALAM ko… marami akong nakaraan… pero hindi yun yung ibig kong sabihin…

Kagabi…. Or nung isang gabi ata.. napanaginipan ko ang mga barkada ko sa Mapua (na ngayong na Malayan Univ na daw... acheche!). Partikular sa panaginip ko si Bespren Mike, si Fatotoy Alex, Bonzi Bernie at si Tikang Eliza...marami pa daw kame nasa pick-up van... hindi ko marecognize yung iba... tinour daw nila ako sa Mapua ngayon kasi nga daw balikbayan daw ako..(naka naman!!!) nagulat ako bakit daw ang faculty ng ChE-CHM ay katabi na ng registrar.. Tinatanong ko daw ke Pareng Mike at ke Fatotoy Alex kung bakit naging ganun na ang set-up. Sabi nila sakin… kasi iba na raw may ari. May multo na nga daw ngayon sa mapua eh. Sabi nila sa panaginip ko. Maya maya pa ay lumabas sa ChE-CHM faculty ang teacher ko nung elementary na si Ms. Banadera. Nilapitan ko daw at kinamusta ko. PInakilala ko ang sarili ko dahil daw hindi na nya ako kilala… sabi ko.. Ma’am ako po ito… si Dennis… galing po kasi ako sa Korea ngayon.. I am a successful engineer na! anyways sa panaginip ko lang sinabi yun… tapos biglang nasa Jollibee na daw ako… nagising na ako….

Hmmm… hindi kaya dahil namimiss ko ang nakalipas? O baka naman mayroon akong nakaligtaan sa nakalipas ko na dapat kong maiayos? let me reminisce my old glorious days.... samahan nyo ako ako.. at sariwain natin ang nakalipas ko bilang estudyante.